“Mutya” emerged victorious in Kantar Media’s national TV ratings last Monday night when it clashed with the pilot episode of “Captain Barbell.”
Hindi nagpasindak sa tila malakas na kalaban si ‘Mutya’. Naguna pa rin sa nationwide ratings ang kinaaliwang serye sa primetime at pinakita na hindi ito basta-basta matitinag.
Ayon sa nationwide ratings result ng Kantar Media/TNS noong Lunes (March 28), mahigit sampung porsyento ang lamang ng ‘Mutya’ (34.8%) laban sa bagung-bagong primetime series ng GMA 7 na Captain Barbell (22.8%). Nanguna rin ang ‘Mutya’ sa top 20 programs nationwide.
Dahil sa magandang balitang ito, masayang-masaya ang buong cast at crew ng naturang serye. “Isa itong pagpapatotoo na napamahal na ang mga mga kapamilya natin kay ‘Mutya’ at sa kwento niya,” ani Direk Erick Salud, isa sa mga director ng ‘Mutya.’
Sa mga darating na linggo, mas makikiliti pa ang mga manonood sa cute na cute na sirenang si Mutya. Humanda pa lalo sa mas madramang mga tagpo na hatid ng nagungunang serye sa bansa ngayon, ang ‘Mutya,’ Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol.
‘Mutya’ Beats ‘Captain Barbell’ Nationwide originally appeared on Starmometer on March 30, 2011.